Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos na susuportahan ng gobyerno ang libreng tertiary education na layong tulungan ang mga deserving students na hindi kayang suportahan ang kanilang pag aaral sa kolehiyo.
Inihayag ng Pangulo na mayruong P134 billion na pondo ang inilaan ng gobyerno para sa mga state universities at colleges.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa ginanap na National Higher Education Day Summit 2024 sa PICC ngayong araw.
Binigyang diin ng Pang. Marcos na kailangang mag invest ng gobyerno sa edukasyon dahil kailangan ng bansa ng mga skilled workers.
Ipinag-utos diin ng Pangulo na dagdagan ang budget ng CHED para sa 2025.
Ipinunto din ng Pangulo na mahalaga ang magkaroon ng access sa dekalidad na tertiary education ang mga Filipino.
Aminado ang Pangulo kailangan ng maraming hakbang para mapabuti ang tertiary education system ng bansa.
“That is why improving higher education—and making it responsive to the present and future needs of society— is front and center of this administration’s national development agenda,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo ang tagumpay ng gobyerno para sa mga plano nito ay naka depende sa isang malakas, resilient, at skilled human resource na magsusulong sa gobyerno.
Ipinunto din ng Punong Ehekutibo na para mai-promote ang quality higher education kailangan ang isang collaborative effort sa pagitan ng public and private sectors.
“When it comes to educating our youth, government and private schools are not competitors but must be regarded as equal partners. As such, government should ensure their viability, [and] treat them as strategic assets whose existence is guaranteed by nurturing policies and support,” pahayag ng Pang. Marcos .