-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy na pagsusulong sa proteksyon at pagsasanay ng seafarers.

Ito ay kasabay ng pagbati ng isang maligayang araw ng seafarer ngayong June 25.

Sa social media post, binigyang-pugay ng Presidential Communications Office ang mga Pilipinong marino para sa kanilang sakripisyo, at kontribusyon hindi lamang sa bansa kundi sa pandaigdigang komunidad.

Kaugnay Dito, siniguro ng PCO na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, patuloy na tututukan ang kapakanan ng pinoy seafarers, gayundin ang suporta sa kanilang mga pamilya.