Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may nakalatag nang standard actions sa anumang kalamidad.
Sa isang pahayag sa Pasig City, sinabi ng Pangulo na alam na ng mga ahensiya ng pamahalaan ang gagawin sa tuwing may mga insidente ng sakuna o anupamang uri ng kalamidad, pagputok man ng bulkan, malakas na bagyo o lindol.
Sa panig aniya ng ehekutibo ay patuloy lang silang nakabantay sa sitwasyon para makita kung saang lugar ang kailangang bigyan ng espesyal na atensyon o saan pwedeng mag-adjust ng pagtugon.
Sa ngayon sinabi aniya ng Phivolcs na huwag munang alalahaning masyado ang sitwasyon.
Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na gagawin ang lahat para sa kaligtasan ng mga apektadong residente.
Kung kakailanganin aniya ay ililikas ang mga tao sa ligtas na lugar tulad ng parati nang ginagawa.