-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy nito ang pakikipag laban para makamit ang kalayaan ng bansa, ito ay mula sa kahirapan, kagutuman, kawalan ng katarungan at iba pa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa ginanap na Parada ng Kalayaan na ginanap sa Quirino Grandstand na siyang highlight sa selebrasyon ng ika-126th Independence Day celebration.

Binigyang-diin ng Presidente na dapat ipakita ng mga Pilipino sa buong daigdig na ang tunay na kapangyarihan ay hindi nasusukat sa lakas at yaman kung hindi sa tunay na kahulugan at katuwiran ng ating ipinaglalaban, ang alab sa pag-ibig sa bayan at sa di-matatawarang pagkakaisa ng mga mamamayan.

Sinabi ng Presidente na mananatili tayong matatag at hindi matitinag sa anumang mga hamon na ating kahaharapin.

Nananawagan naman ang Pangulo sa lahat na patuloy na tangkilikin at ipagmalaki ang pagiging Pilipino.

Giit ng Pangulo, babangon at aangat bansang Pilipinas , na may malinaw na pananaw sa kinabukasang inaasam.

Magsama-sama ang lahat sa paglalakbay tungo sa mas maliwanag at masaganang bukas.