Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr kay Timor-Leste President José Ramos-Horta na suportado sila ng Pilipinas bukod sa pagiging partner.
Nasa bansa si Ramos-Horta para sa isang official visit na lalong palakasin ang bilateral relations sa Pilipinas.
Kahapon dumating sa bansa si President Ramos-Horta kung saan mainit itong sinalubong ni Philippine Ambassador to the Democratic Republic of Timor-Leste Belinda Ante at ni Manila International Airport Authority Assistant General Manager Manuel Gonzales.
Nakatakdang talakayin nina Pang. Marcos at President Ramos-Horta ang ibat ibang usapin sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa gaya ng technical, political, educational, at economic partnerships.
Ngayong araw ang bilateral meeting ng dalawang lider na gaganapin sa Palasyo ng Malakanyang.
Nakiisa ang Timor-Leste sa 42nd ASEAN Summit bilang observer.
Nuong buwan ng Mayo, pinagtibay ng ASEAN ang isang roadmap para sa full membership ng Timor-Leste.
Inihayag ni Ramos-Horta na ang kanilang bansa ay magiging full-fledged ASEAN member sa taong 2025.