-- Advertisements --

Tiniyak ng Marcos Jr., administration na patuloy na magpapatupad ang pamahalaan ng kinakailangang mga hakbang para matugunan ang pagmahal ng mga bilihin.

Ito ang pahayag ng Malakanyang kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority na tumaas sa 6.1 percent ang inflation nitong Setyembre mula sa 5.3 percent noong Agosto.

Ayon sa Presidential Communications Office, susuportahan ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pinaka-apektadong mga sektor kabilang ang consumers at mga magsasaka.

Tinukoy ng PCO ang mga inisyatibo ng gobyerno gaya ng Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development.

Magbibigay rin daw ang ahensya ng P10,000 cash subsidy sa 78 libong mga magsasaka na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Bukod pa rito any P5,000 ayuda sa mga magsasaka na pandagdag sa gastusin nila sa pagtatanim.

Binanggit rin ng Palasyo ang tinaasang buying price ng palay ng National Food Authority.

Gayundin ang inilunsad na fuel subsidy sa higit 74 na libong public utility vehicles.