-- Advertisements --
tobacco farmers Ilocos
Tobacco farmers in Ilocos region (NTA photo)

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na magpapatuloy pa rin suporta ng pamahalaan sa mga magtatabako sa bansa.

Ito ay sa kabila ng mga polisiya ng pamahalaan na nakakaapekto sa paglago ng industriya ng pagtatabako sa bansa.

Maalalang una nang hinihikayat ng Department of Agriculture ang mga magsasaka ng tabako na subukan ang iba pang mga pananim, maliban sa tabako, upang makatulong sa pag-abot ng food security sa bansa.

Maliban dito, una na ring inumpisahan ng DOH ang kampanya nito laban sa labis na paninigarilyo.

Pero ayon kay Pang. Marcos, maraming mga magsasaka ang nagdedepende sa nasabing industriya, dahil ito na ang nagsisilbi nilang pangkabuhayan, at trabaho.

Mataas din aniya ang kontribusyon nito sa tax collection ng bansa.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na maghahanap ang pamahalaan ng mga kaparaanan upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka na nabubuhay sa nasabing industriya.