Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong sa mga magsasaka na lubhang naapektuhan ng tagtuyot na dulot ng El Nino Phenomenon.
Sa pagtungo ngayong araw ng Punong Ehekutibo sa Occidental Mindoro una nitong nagsagawa ng site inspection sa El Nino affected farmlands sa bayan ng San Jose.
Personal namang kinausap ng Pang. Marcos ang mga magsasaka at siniguro sa mga ito ang tulong ng gobyerno.
Bukod sa isinagawang site inspection sa mga lupaing sakahan, namahagi ang Pangulo ng ibat ibang tulong para sa mga residente ng Occidental Mindoro.
Pinatitiyak din ng Pangulo sa ibat ibang concerned agencies na maiparating sa mga kababayan natin duon na matanggap ang tulong ng pamahalaan.
Inihayag ng Presidente na mayruon ng ginagawang hakbang ang gobyerno para tugunan ang epekto ng El Nino lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.