-- Advertisements --

Hindi makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang pag-impeach ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga agam-agam na posibleng humina ang ekonomiya dahil sa nangyari sa Bise Presidente.

Ayon kay Pangulong Marcos, mananatiling nakatutok ang administrasyon sa pagpaparami ng investment para matiyak ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya.

Magpapatuloy aniya ang takbo ng ekonomiya hangga’t nagpapatuloy ang mga plano at estratehiya ng pamahalaan sa pamumuhunan at iba pang structural changes.

Siniguro rin ng Pangulo na nananatiling matatag ang pamahalaan sa kabila ng mga isyu at gagawin nila ang lahat para magbigay sigla sa ekonomiya ng bansa.