-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na disaster resilient o matibay at kayang sumagupa sa  kalamidad gaya ng malalakas na hangin at maging ng lindol ang mga bahay na nai- turn over ngayong araw sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa  Burauen, Leyte.

Ayon kay Pang. Marcos masusing idinisenyo  ang mga housing units ng National Housing Authority (NHA) at ready for occupancy na ito ng mga beneficiaries.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Pangulo sa NHA at DHSUD na palalawigin pa ng mga ito ang pagtuklas ng mga disenyo ng mga pabahay na pinatatayo ng gobyerno lalo at iba na ang hamon ng panahon.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na libre ang ipinamahaging mga Bahay sa mga biktima ng bagyong Yolanda Kasama na din ang loteng pinagtitirikan ng mga housing units.

Ibig Sabihin, walang babayarang buwanang amortisasyon ang mga beneficiaries at hindi na maniningil pa ang gobyerno sa kanila.