-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakahanda ang gobyerno sa pagtugon para sa posibleng worst case scenario kasunod ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Pangulo nakalatag na ang mga gagawin ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD) para tumugon sa maaaring worst-case scenario.

Sa ngayon naka tutok ang Task Force Kanlaon na siyang makikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa tamang pag responde na naka batay sa lakas ng pagsabog ng bulkan at ang pinsalang hatid nito.

Siniguro ng Pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat para agad matugunan ang anumang mga naitalang pinsala bunsod ng pagsabog.

Pina-mobilized na rin ng Pangulo ang mga resources ng gobyerno para tulungan ang mga kababayan natin na apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.