-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang ipagpapatuloy ang legasiya ng kaniyang ama na si dating Pangulo Ferdinand E. Marcos Sr. para lalo pa mapabuti  ang buhay ng mga ordinaryong mga Pilipino.

Aminado si Pang. Marcos na inspirasyon niya ang mga nagawa ng kaniyang ama.

Binisita at nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa puntod ng kanyang ama ngayong araw, November 1,2024.

Sa kanyang talumpati, inilarawan ni PBBM ang mga katangian ng mabuting pamumuno ng kanyang ama at ang kanyang pangako na ipagpatuloy ang mga nasimulan nito para sa kaunlaran ng bansa. 

Kasama niya si dating First Lady Imelda Marcos, at nagdaos sila ng misa na dinaluhan ng ilang mga taga-suporta ng pamilya Marcos bilang pag-alala sa dating Pangulo, na pumanaw noong Setyembre 28, 1989, at inilibing noong Nobyembre 18, 2016.

Ibinida din ni PBBM ang sinseridad at dedikasyon ng kaniyang ama para mapaunlad ang bansa at mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, bata pa lamang siya nuon kaniya ng inoobserbahan ang magandang pamumuno ng kaniyang ama.

Si dating Pangulong Marcos Sr ay ipinanganak nuong September 11, 1917, sa Sarrat, Ilocos Norte.  

Nagsilbi siyang opisyal nuong World War II. Naging Senador ng tatlong termino at naging miyembro ng House of Representatives at naging Minority Floor Leader at naging Senate President. 

Nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas nuong 1965.

Siya ay namatay nuong September 28, 1989, at inilibing sa  Libingan ng mga Bayani with full military honors nuong November 18, 2016.