Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang sertipikahang urgent ang panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).
Paliwanag ng Pangulo na ang problema kasi ngayon ay nagpapataasan ng bilihan ng palay mula sa mga magsasaka ang mga negosyante na walang kontrol aniya ang gobyerno.
Dahil dito, ang resulta ay nagmamahal ang presyo ng bigas pagdating sa palengke.
Ayon sa Punong Ehekutibo na kapag na-amyendahan ang Rice Tariffication Law at ang charter ng National Food Authority magkakaroon ng kontrol at impluwensiya ang gobyerno sa presyuhan ng palay at bigas kaya bababa ang presyo nito sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng pinaaamyendahang Rice Tariffication Law, muling ibabalik sa NFA ang kapangyarihang makapagbenta muli ng bigas sa mas mababang presyo.
Kung maalala, inihayag ni Speaker Martin Romualdez na isinusulong ng Kamara na amyendahan ang Rice Tariffication Law ng sa gayon mapababa na ang presyo ng bigas sa merkado.
Target ng Kamara na sa buwan ng Hunyo nasa P25 na ang kilo ng bigas.
” It is something that has come up, so that ang problema kasi, kaya tumataas ang presyo ng bigas, dahil ang mga trader ay nagcocompete, pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng palay, at wala tayong kontrol doon. Kung magkaroon ng amendments sa NFA charter at Rice Tarrification Law, magagawan natin, makokontrol natin, may influence tayo sa presyuhan sa pagbili ng palay at pagbenta ng bigas,” pahayag ni Pang. Marcos.