Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lahat ng hinaing ng pamahalaang lokal ay pinapakinggan ng national government at pilit tinutugunan kung kinakailangan para sa kabutihan ng sambayanang Pilipino.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng League of Barangays at National and Island Representatives of the Youth Council na ginanap sa loob ng Palasyo ng Malakanyang ngayong umaga.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos mahalaga ang boses ng mga LGU para sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan at maging sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Siniguro din ng Pangulo na ang hinaing ng ibat ibang sektor maging sa mga volunteers ay papakinggan ng pamahalaan.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga kabataan na makialam sa mga aktibidad ng pamahalaan.
Hinamon din ng Pangulo ang mga kabataan na kung may nakikita silang mas magandang pamamaraan sabihin at isigaw ito.
Aminado ang Presidente na hirap kumbinsihin ang mga matatanda pero huwag mawalan ng lakas at ipagpatuloy ang kanilang paninindigan.
Inihayag ng Pangulo na kailangan ng bansa ng mga bagong breed dahil sila ang mga future leader ng bansa.