-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kaniyang lalagdaan ang 2025 national budget bago ang pasko.

Dahil dito inatasan ng Pangulo ang mga mambabatas ang latag ng budget lalo na ang budget ng Department of Education na tinapyasan. 

Sinabi ng Pangulo nais niya na maibalik ang budget ng DepEd lalo mahalaga at prayoridad ng kaniyang gobyerno ang education sector.

Sa ngayonpina plantsa pa nang husto ng malakanyang ang detalye ng pambansang budget para sa susunod na taon.

sa isang interview sa malakanyang, sinabi ni pangulong ferdinand marcos jr na matapos ang bicameral conference committee ay wala pa siya sa punto ngayon na kailangan niyang mag line veto.

paliwanag ng pangulo,  ang natapos lamang sa bicam ay ang kabuuang budget pero wala pang detalye.

kaya sa ngayon aniya ay inaaral pang mabuti ng bicam at ng palasyo ang bawat detalye ng budget ng mga ahensiya.

dalawang bagay lamang naman aniya ang pinagtutuunang pansin nila sa panukalang pambansang budget ngayon,  ang  hindi paglalaan ng subsidiya para sa Philhealth at ang malaking tapyas sa budget ng Dept of Education.

magkagayunman, tina trabaho na aniya nila ito ngayon.

Pero hayaan na muna aniya sa mga mambabatas o sa bicam ang pagtalakay dito o ipaubaya sa diskusyon ng dalawang lider ng kongreso.

Siniguro naman ng pangulo na bago mag Pasko ay pipirmahan niya ang 2025 pambansang budget na nagkakahalaga ng P6.352 trilyong piso.