-- Advertisements --

Target ng Marcos Jr administration na makapamahagi ng kabuuang 1,552 Patient Transport Vehicles o PTVs sa bawat local government unit sa buong bansa upang may maaasahang sasakyan sa agarang pagdadala ng mga pasyente sa mga pagamutan.

Sa talumpati ni PBBM sa pamamahagi ng PTV sa Cagayan de Oro city kahapon, ipinagmalaki nito na nakapamahagi na ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng 567 na mga PTVs, habang 985 pa ang planong ipamahagi bago matapos ang taong 2025.

Kapag natapos ang distribusyon, inaasahang lahat ng 1,493 LGUs sa buong Pilipinas ay magkakaroon na ng tig-isang sariling PTV, habang may ilan din na mabibigyan ng tig dalawang unit.

Hiling naman ng Pangulo sa mga LGU, alagaan at ingatan ang mga ibibigay na PTVs upang marami ang mapagsilbihan.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng medical transport vehicle donation program ng PCSO na bahagi ng kanilang adhikain na palakasin ang access ng bawat Pilipino sa de-kalidad na serbisyong medikal, lalo na sa mga lugar na malalayo at kulang sa pasilidad.