Nananatili ang sitwasyon at posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), kasunod ng pagpapasa ng Philippine Maritime Zone Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na nagbibigay diin sa maritime territory ng Pilipinas, alinsunod sa international law.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang ipatawag ng China ang ambahador ng Pilipinas na naka-talaga sa kanilang bansa, upang magpahayag ng pagtutol sa dalawang bagong batas na ito ng Pilipinas.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa Cavite sinabi ng pangulo na wala naman siyang bagong direktiba sa ambahador ng Pilipinas sa China.
Binigyang diin lamang kasi aniya ng China ang hindi nila pag-sangayon sa posisyon ng Pilipinas sa SCS, maging ang kanilang umano’y sovereign territory, sa rehiyon.
Ayon sa pangulo, walang bago dito, at nananatili pa rin ang posisyon ng Pilipinas sa WPS.
” Oo, wala naman. Ang sinasabi nila ino-object-kan nila. Sinasabi nila that we do not agree and you will – that they will continue to protect what they defined as their sovereign territory. Of course, we do not agree with their definition of sovereign territory,” wika ni Pang. Marcos.