Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kahandaan ng Pilipinas sa pag host ng 2026 ASEAN summit na sesentro sa mga kababaihan, PWDs at OFWs empowerment.
Sa isinagawang ASEAN Summit Plenary sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia, inanunsiyo ng chief executive ang kahandaan ng Pilipinas na maging Chairman ng ASEAN 2026.
Tiniyak ng Pangulo na kanilang palalakasin ang pundasyon ng community-building.
Umaasa pa rin ang Pangulo ng suporta mula sa kapwa ASEAN member-states at patuloy itong makikipag tulungan para mapalakas ang ASEAN Centrality at maitaguyod ang kapayapaan,seguridad, at kasaganahan sa rehiyon.
Sinalo ng Pilipinas ang pag host ng ASEAN Summit 2026 matapos bitawan ng Myanmar sa harap ng domestic situation sa kanilang bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ipagpatuloy ang ang paghahanda sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa marginalized at vulnerable sector gaya ng mga kababaihan at mga persons with disabilities na maging handa sa digital future.
Ang mga mamamayan sa ASEAN ay mahalaga na ma reskill at upskill para mamantene ang kanilang mahahalagang role sa ekonomiya.
Sa nasabing pulong na highlight ng Pangulo ang kahalagahan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ng sa gayon mapataas ang produksiyon at pagpapalakas sa supply-chain resiliency at pagpapalakas sa kapabilidad ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), para magsimula sa digital and creative economies.