Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nakahanda na ang mga kakailanganing tulong ng mga biktima ng bagyong Enteng.
Ayon sa Pangulo, naka- preposition na ang mga ibibigay na tulong at hinihintay na lamang na bahagyang gumanda ang panahon para maihatid ang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Pero kahit masama pa rin ang panahon, tiniyak ng Pangulo na may nakalatag namang pamamaraan para maikasa ang pamamahagi ng suporta sa mga biktima ng masamang panahon.
Matatandaan na sa mga nakaraang pahayag ng Chief Executive ay siniguro nitong naririyan lang at laging nakahanda ang tulong bago pa man dumating ang mga kalamidad.
Itoy upang maiwasan ang pagkaantala ng pagtugon at mabilis na maipaabot ang mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Karaniwang kabilang sa pre-positioning efforts ng gobyerno bukod sa relief goods ay gamot at iba pang kagamitan.