-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling stable ang Pilipinas sa kabila ng mga ingay.

Sa panayam kay Pang. Marcos sa Palasyo ng Malakanyang inihayag nito na maayos pa ring gumagana ang pamahalaan.

Nilinaw naman ng Pangulong Marcos na walang nangyayaring loyalty check sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ng Pangulo sa media lamang niya naririnig ang loyalty check.

Aniya wala siyang isinasagawang loyalty check sa mga sundalo at pulisya.

Kung maalala, mababatid na kamakailan ay nagbanta si VP Sara na ipapapatay ang Pangulong Marcos kasabay ng kaliwa’t kanang mga pagpuna sa kanyang liderato.

Kasunod nito ay umugong din ang mga usapin ng posibleng kudeta matapos hikayatin ni dating pangulong duterte ang militar na gumawa ng aksyon laban sa umanoy fractured o wasak na gobyerno, kaakibat ng pagkikilos-protesta sa edsa ng mga taga-suporta ng mga Duterte.