Ikinagalak na ibinahagi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang magandang balita sa publiko ang paglago ng ekonomiya ng bansa na pumalo sa 6.3 percent nitong second quarter ng taon na isa sa pinaka mataas sa Asean region.
Sinabi ng Pangulo ito ay dahil sa pagtaas ng investment at construction sa ilalim ng Build Better More program.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na maganda ang datos subalit wala itong kabuluhan kung hindi ito mararamdaman ng ating mga kababayan.
Siniguro ng Pangulo na patuloy ang pagbibigay ng sapat at kalidad na trabaho. Nitong Hunyo, bumaba ang unemployment rate sa 3.1 percent.
Higit 50.3 million Filipinos na rin ang employed at bumaba ang Poverty rate sa 15.5 percent.
Sa ngayon lalong dumadami ang mga kababayan natin may disente at pormal na hanap buhay at naging bahagi ng middle class at ang lahat na ito ay patungo sa adhikain na iangat mula sa kahirapan ang bawat Pilipino.
Siniguro ng Presidente na ang kaniyang gobyerno ay patuloy na mag invest sa mga job-generating infrastructure, social protection programs, health and education para sa lahat ng mga Filipinos.