Tiniyak ni Pang. Bongbong Marcos na patuloy na papanindigan ng Pilipinas ang soberanya nito sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod sa pagharang at pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa chartered boat ng Armed Forces of the Philippines na magdadala sana ng suplay mga sundalo na naka station sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong August 5.
Ayon sa Chief Executive, nagdala na ng bagong note verbal si Dept of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa panayam kay Pang. Marcos kanina sa Bulacan, sinabi nito na kasama ng note verbal ay mga larawan at video ng nangyaring pambo bomba ng tubig ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard na magdadala sana ng suplay.
Sinabi ng Pangulo na magkakaroon silang command conference ngayong hapon kasama ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para pag usapan kung ano ang susunod na hakbang na gagawin hinggil sa nasabing insidente.
Tumanggi muna ang Pangulo talakayin ang mga operational details ukol dito.
Sabi ni Pang. Marcos, patuloy aniyang igiit ng pamahalaan ang soberenya ng bansa, ang territorial rights sa harap ng mga hamon na ito nang alinsunod sa international laws at United Nations Convention on the law of the Sea UNCLOS. Dagdag pa nito na kung may pangangailangan na kausapin ng gobyerno si Chinese President Xi Jinping gagawin niya ito ng sa gayon magkaroon na ng konklusyon ang bagay na ito.
Aminado ang Pangulo na sadyang may gray area sa usapin ng pag angkin ng China sa bahagi ng Ayungin Shoal na siya ring patuloy ding ipinaglalaban ng Pilipinas dahil sa paninindigan na pagmamay- ari ito Pilipinas.
Nagpasalamat naman ang Pangulo na walang nasaktan sa nasabing insidente.
” Ngunit sa atin, actually today pagkatapos ng Change of Command ng CGPA ay magkakaroon kami ng command conference tungkol nga dito on how we will respond. But as you can imagine, ayaw kong pag-usapan ang operational aspects niyan.
But we continue to assert our sovereignty. We continue to assert our territorial rights in the face of all of these challenges and consistent with the international laws and UNCLOS, especially. So that has always been our stand. But we still have to keep communicating with the Chinese government, with President Xi, with Beijing. We still have to keep communicating with them because we need to really come to a conclusion,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.