Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kaniyang opisina.
Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kaniya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala.
” I will sign it as soon as I get it. Am I happy, well that is the version the House and the Senate has passed and we will certainly look into all of the changes that have been made,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.
Sa sandaling mapirmahan ito ng Pangulo, magigiging ganap na batas ang panukalang MIF.
Siniguro naman ng Pangulo sa publiko na hindi mapupunta sa wala ang mga perang ilalagak sa Maharlika Investment Fund.
Binigyang-diin ng Pangulo na kaniyang naiintindihan kung bakit may pag-aalinlangan pa rin ang mga tao sa MIF.
Subalit, sabi ng chief executive may sapat na mga safeguards ang kanilang inilagay sa MIF.
Ipinunto rin ng Pangulo na ang susi para maging matagumpay ang MF ay lagyan ito ng mahuhuhusay na economic managers na mag manage sa pondo at independent sa gobyerno.
Kabilang sa mga pagbabago sa nasabing panukala ay tanggalin ang Pangulo bilang bahagi ng board, ang chairman ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang kalihim ng Department of Budget and Management.
Siniguro ng Pangulo na kaniyang ilalagay ang mga mahuhusay na tao para mag manage sa MIF ng sa gayon lalago ang per na maaaring magamit sa mga proyekto na pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.