Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Korean businessmen na nakahanda ang Pilipinas na tanggapin ang kanilang mga investments at buo ang suporta ng gobyerno sa kanila.
Ginawa ni Pang. Marcos ang pahayag sa isinagawang, PH-South Korea Business Forum ngayong hapon.
Sinabi ng Pangulo patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno para maging conducive place ang Pilipinas para magpundar ng mga negosyo.
Aniya, binibilisan na nila ang pagbuo ng mga reporma sa polisiya na naka disenyo para maging maganda ang negosyo sa Pilipinas.
Ibinahagi ng Pangulo ang pagsasabatas sa PPP or Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines ay isang malaking halimbawa para sa nasabing inisyatibo dahil nagbibigay daan ito para sa isang transformative collaborations sa pagitan ng gobyerno at private sector partikular sa mga infrastructure projects gaya ng pagkakaroon ng maayos na mga daanan, maayos na tulay at pagtatayo ng mga public facilities sa pamamagitan ng private sector investments.
Inihayag din ng pangulo na ang Kongreso sa ngayon ay nasa huling stages na sa legislative process para isabatas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy or the CREATE MORE Act.
Ang CREATE Act of 2021, ay lalong magpapalawak sa fiscal and non-fiscal incentive sa mga strategic industries.
Lumagda din business-to-business agreements upang palakasin ang public-private partnerships.