Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang Agri-Puhunan at Pantawid Program ng gobyerno nuong Biyernes ng bisitahin nito ang probinsiya ng Sarangani sa Mindanao na inisyatiba ng Department of Agriculture (DA) at Development Bank of the Philippines (DBP).
Layon ng programa tulungan ang ating mga magsasaka na itinuturing ng Punong Ehekutibo bilang haligi ng ekonomiya ng bansa dahil sa kanilang mahalagang parte para makamit ang food security ng bansa.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na ang nasabing programa ay dinisensyo para tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng agricultural sector partikular ang mataas na interes ng pagpapautang, limitadong access sa mga abot kaya at dekalidad na mga kagamitan sa pagsasaka.
Ayon sa Pangulo nararapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga magsasaka dahil ang kanilang pawis at pagod ang siyang bumubuhay sa sektor ng agrikultura.
Sa Agri-Puhunan at Pantawid Program ang mga magsasaka ay makaka-utang ng hanggang P60,000 sa mababang annual interes rate na nasa 2 percent.
Ang pagbabayad naman ay maaari sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga harvest sa National Food Authority (NFA) o sa mga DA-accreditted cooperatives.
Sa ilalim ng Pantawid program binigyan ng tig-P8,000.00 monthly cash assistance mga mga beneficiaries na kanilang magagamit habang naghihintay ng kanilang mga harvest.
Siniguro ng Pangulo sa mga magsasaka na nakahanda ang gobyerno na sila ay tulungan at makinig sa kanilang mga hinaing.
Ibinida ni Pangulong Marcos ang complimentary programs ng gobyerno gaya ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung nasa 17,763 magsasaka at 331 cooperatives ang nakapag benepisyo nuong nakaraang taon.