-- Advertisements --
image 358

Tuluyan ng bumitaw ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tapos na tayo sa International Criminal Court (ICC).

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ihayag ng ICC na kanila pa rin itutuloy ang imbestigasyon kaugnay sa mga patayan sa drug war campaign ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Chief Executive na tinanggihan ng ICC ang apela ng Philippine government na kumu kwestiyon sa jurisdiction ng imbestigasyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi na makikipag cooperate ang Pilipinas sa ICC sa sandaling magsagawa sila ng kanilang imbestigasyon sa bansa.

Binigyang-diin ni Marcos na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil pinutol na nito ang ugnayan sa tribunal noong March 17, 2019, isang taon matapos ipag-utos ni dating Pangulong Duterte na wakasan ng Pilipinas ang Rome Statute na lumikha ng ICC.

Subalit ipinagpatuloy ni dating prosecutor Fatou Bensouda ang preliminary examination.
Sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ICC ay natapos na sa rendition of judgment ng ICC Appeals Chambers.

Sa halip, tututukan aniya ng Pilipinas ang sarili nitong imbestigasyon at pag-uusig sa mga krimen na may kaugnayan sa kampanya laban sa droga.