Tinutulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukala na itaas ang multa sa illegal parking.
Ang nasabing panukala ay batay Joint Traffic Circular No. 01 na inilabas ng Metro Manila Council.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya pabor sa nasabing probisyon na tataasan ang multa sa illegal parking mula sa P1,000 hanggang P4,000.00.
Binigyang-diin ng Pangulo na dapat manatili sa P1,000 ang multa.
” Para patuloy ang magandang serbisyo ng ating pamahalaan ay hindi ko pinayagan ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na tataasan ang multa para sa mga illegal parking mula sa isang libong piso na hanggang apat na libong piso maiiwan na sa isang libong piso lamang, ” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Aniya, naiintindihan niya ang intensiyon sa likod ng panukala, subalit para sa Presidente mas maiging bigyang prayoridad ang disiplina imbes sa pagmumulta.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na ang Bagong Pilipino ay disiplinado.
Sa pamamagitan aniya ng pagtutok sa indibidwal na responsibilidad ay makakabuo ng pangmatagalang solusyon ang bansa sa matinding problema sa trapiko.
” While understand the intention behind the proposal, I’ve decided to prioritize discipline over penalties. Ang Bagong Pilipino ay disiplinado. By focusing on individual responsiblity we can create longlasting solutions to our traffic challenge,” wika ng Pang. Marcos.