-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tiwala si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may prinsipyo sa mga binibitawang salita si vice president Sara Duterte.

Ito’y matapos umalis ang bise presidente sa Lakas-CMB Party kung saan siya ang dating chairperson.

Sinabi ni Presidente Marcos sa press conference ng presentasyon ng 160 Megawatts Wind Farm sa bayan ng Pagudpud dito sa Ilocos Norte na totoong maraming kinakaharap na obligasyon si Duterte.

Aniya, dahil dito ay naniniwala siyang kailangan nito ng konsentrasyon at pagtutok sa kaniyang serbisyo lalo na ang Department of Education kung saan ito ang secretary.

Lahad nito na inaasahan niyang matatapos ang mga importanteng aasikasuhin ng bise presidente.

Maalala na una ng inihayag ni vice president Duterte ang paglisan nito sa Lakas-CMD.

Samantala, hindi nito inilahad ang dahilan ng kaniyang resignation ngunit sinabi nito na nagtitiwala ang sambayanang Pilipino dahilan upang walang bahid ng “political toxicity” o “execrable political powerplay” ang kaniyang pagsisilbi sa bansa.