Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na unti-unti ng makakamtan ang kaginhawaan sa patuloy na pagbaba ng inflation sa bansa.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal ang inflation ng Pilipinas nuong buwan ng Mayo na nasa 6.1 percent Kumpara sa 6.6% noong Abril.
Ayon kay PSA USec Dennis Mapa, ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport, food at non-alcoholic beverages, at restaurant at accommodation services.
Para sa ikalimang buwan mula January hanggang buwan ng Mayo ang inflation averaged ay nasa 7.5% mas mataas pa rin sa target range ng gobyerno na nasa 2%-4%.
Ayon sa chief executive ang pagbaba ng inflation nuong buwan ng Mayor ay tanda na patuloy na tinatahak ng kaniyang administrasyon ang tamang direksiyon para makamit ang abot-kayang presyo ng mga bilihin.
Binigyang-diin ng Pangulo na batid nito ang hangarin ng bawat isa na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay kayat kaya’t patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang mga pang-ekonomiyang hakbang ng pamahalaan.