Tumulak na patungong Malaysia si Pangulong Fedinand Marcos Jr. ngayong araw para sa tatlong araw na state visit.
Sasamahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang Pangulo, ilang mga cabinet secretaries at mga Pilipinong negosyante ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza.
Una ng sinabi ng DFA official na makikipagkita si PBBM sa hari ng Malaysia na si King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah at Prime Minister Anwar Ibrahim.
Inaasahan na tatalakayin ang bagong areas of synergy sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.
Isusulong din ng Pangulo ang mas matatag pang kolaborasyon sa Malaysia para palakasin ang mga prayoridad na sektor ng administrasyon kabilang na ang agrikultura, seguridad sa pagkain, turismo, digital na ekonomiya at people to people exchange.