Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kapwa makakahanap ng maganda at mabuting paraan ang PIlipinas at Ukraine sa mga kinakaharap nitong hamon.
Ikinalugod ng Pang. Marcos ang pagbisita ni Zelenskyy sa bansa sa kabila ng mahigpit na travel schedule nito at nagkaroon pa ito ng panahon para bumisita sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo, malaking bagay ang pagtungo sa bansa ni Zelenskyy upang mapag-usapan ang mga hamon na kanilang kinakaharap.
Sa pulong nina Pang. Marcos at Ukraine President Volodomyr Zelenskyy sa palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na nakakatuwang magkita sila upang talakayin ang mga isyung karaniwan para sa parehong bansa.
Ayon sa Presidente, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ni Zelensky na magpulong habang siya ay nasa Singapore.
Ang pilipinas ay nahaharap sa patuloy na pambubully ng China at tangkang pag angkin sa territorial waters ng bansa, habang ang Uraine ay patuloy ding pinagtatangkaang sakupin ng Russia.
Dagdag pa ng Pangulo, hangad lamang sana niya na ang pagkikita nila ni Zelenskyy ay sa isang mas maganda at kaaya ayang sitwasyon.
” I know that the crisis in your country has occupied all of your attention and all of your time. It is a great pleasure to meet with you to discuss some of the issues that are common to our two countries and hopefully find ways for both of us together. Once again, I wish it were under better circumstances but I’m happy that you are able to come and visit with us, Mr. President,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.