-- Advertisements --

Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang batas na humihiling para maging naturalized Filipino citizen ang Chinese national na si Li Duan Wang.

Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro.

Nabatid na si Li Duan Wang ay kilala rin bilang Mark Ong na matagal nang naninirahan sa Pilipinas mula pa noong 1991.

Subalit si Li Duan ay nahaharap sa kontrobersiya, dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa POGO.

Batay sa ulat siya ay naging incorporator ito ng isang POGO service provider.

Kung maalala kinontra ni Senator Risa Hontiveroz ang panukalang nagbibigay ng Filipino Citizenship kay Li Duan.

Si Hontiveros ang nagbunyag sa senate hearing ang pagkakasangkot ni Li Duan sa POGO