-- Advertisements --

Walang nakikitang masama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa pagkuha ng selfie ng larawan ng ilang opsiyal ng pamahalaan kasama ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac.

Ito’y kasunod ng kumakalat na larawan nina DILG Sec. Benhur Abalos, PNP Chief Gen. Rommel Marbil at Alice Guo habang nasa Jakarta,Indonesia ang mga ito .

Kaliwat kanan ang batikos sa mga opisyal dahil nagawa pang magpakuha ng larawan sa isang pugante.

Sa panayam kay Pang. Ferdinand Marcos kaniyang sinabi walang masama sa pag selfie dahil tila nakagawian na ito ng mga Pilipino.

Aniya sa katunayan bansag pa sa Pilipinas ay selfie capital of the world, kaya hindi dapat batikusin dahil lamang sa pagpapakuha ng larawan kay dating Bamban Mayor Alice Guo.

Kaya para sa Pangulo hindi “big deal” sa kaniya ang nasabing isyu.