Walang nakikitang problema si Pang. Ferdinand Marcos Jr, hinggil sa pagpapalabas ng pelikulang Barbie sa Pilipinas.
Sa isang panayam sinabi ng Pangulo na maganda raw ang nasabing pelikula.
“Maganda raw eh, sabi nila,” wika ng Pang. Marcos ng tanungin siya ng mga media hinggil sa isyu.
Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod sa mga pangamba hinggil sa umano’y pagpapakita sa nasabing pelikula ng mapa ng China sa kanilang territorial claim sa West Philippine Sea ang nine-dash line.
Binigyang-diin ng Pangulo ang nasabing mapa na ipinakita sa Barbie movie ay isang fiction at hindi makatotohanan.
Magugunita na inaprubahan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang Barbie ng Warner Bros’ dito sa Pilipinas.
“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” pahayag ng Pang. Marcos.