GENERAL SANTOS CITY – Walang natanggap na ulat si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng sinasabing pag-kumbinsi ng matataas na opisyal ng Philippine National Police sa kanilang hanay, para sa destabilization plot laban sa administrasyon na ipinalutang ni dating senador Antonio Trillanes.
Sa ambush interview sa General Santos City, inihayag ng pangulo na walang nakikitang pamumulitika sa mga pulis at sa officer corps.
Gayunman, sinabi ni Marcos na maaaring may mga retiradong opisyal ang kumikilos o sumasama sa destabilization.
Kaugnay dito, nanawagan ang pangulo sa mga pulis at maging sa mga sundalo, na maging propesyunal at gawin nang tama ang kanilang tungkulin kahit hindi man siya ang binoto ng mga ito.PBBM, walang natanggap na ulat kaugnay ng umanoy destabilization plot
Walang natanggap na ulat si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng sinasabing pag-kumbinsi ng matataas na opisyal ng Philippine National Police sa kanilang hanay, para sa destabilization plot laban sa administrasyon na ipinalutang ni dating senador Antonio Trillanes.
Sa ambush interview sa General Santos City, inihayag ng pangulo na walang nakikitang pamumulitika sa mga pulis at sa officer corps.
Gayunman, sinabi ni Marcos na maaaring may mga retiradong opisyal ang kumikilos o sumasama sa destabilization.
Kaugnay dito, nanawagan ang pangulo sa mga pulis at maging sa mga sundalo, na maging propesyunal at gawin nang tama ang kanilang tungkulin kahit hindi man siya ang binoto ng mga ito.