Hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ika-67th Birthday ngayong araw ay maging maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura.
Ayon sa Presidente kapag naging maayos ang pagsasakatuparan sa lahat ng mga programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka.
Ginawa ng Presidente ang pahayag sa paglulunsad ng agri-puhunan at pantawid program sa Guimba, Nueva Ecija ngayong umaga.
Sinabi ni Marcos na ito ang magbibigay daan sa maayos na takbo ng agrikulutura tungo sa magandang buhay ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya.
” Ang birthday wish ko, mabuo na natin para maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura para gumanda ang buhay ng bawat magsasaka ng kanilang pamilya at ng bawat Filipino,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.
Samantala, inihayag din ng Pangulo na dahil birthday niya ngayong araw, bibigyan din nito ng tulong ang mga kababayan natin na nangangailangan ng medikal.
Ayon sa Presidente sasagutin nito ngayong araw ang lahat ng bayarin ng mga pasyente sa lahat ng pampublikong Level 3 hospital sa buong bansa.
” Hindi pa po nagtatapos dito. Layunin din po namin na matulungan ang ating mga kababayan na may pangangailangang medikal. Kaya po sa araw na ito, sasagutin po natin ang lahat ng bayarin ng mga pasyente sa lahat ng pampublikong Level 3 hospital sa bansa [cheers and applause] katulad ng Dr. Paulino Garcia Memorial Hospital dito sa inyo,”