CAGAYAN DE ORO CITY – Pangungunahan ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang pamimigay nga cash assistance sa mga magsasaka maging sa mga mangingisda at bilang ng mga pamilya na direktang apektado ng El Niño phenomenon sa bahagi ng Northern Mindanao region nitong araw.
Kaugnay ito nang pagbisita ni Marcos sa syudad ng Iligan at Cagayan de Oro City kung saan mayroong magkaiba na mga programa na ilulunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair simula nitong araw hanggang bukas.
Sinabi ni Sofonias Gabonada Jr, deputy director general ng national secretariat ng BPSF na nasa tig-10,000 pesos ang ipamimigay ng pangulo sa sampung libo rin na mga pamilya na lalong naghirap epekto ng sobrang tag-init sa bansa.
Dagdag ni Gabonada na mamimigay rin ng halos P300 milyon halaga ng iba’t-ibang programa at mga serbisyo ang dalawang araw na aktibidad katuwang ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez kasama ang higit 40 na mga mambabatas.
Magugunitang maliban sa magkahiwalay na aktibidad ng pangulo sa Cagayan de Oro City at Iligan City, abala rin sa pangunguna si First Lady Liza Marcos sa Love for All activity na isagawa sa syudad ng El Salvador,Misamis Oriental nitong araw.