Ibibida ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa paggunita ng National Shelter Month ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, target ng Marcos administration na magkaroon ng sariling tahahan na disente, at ligtas para sa mga kababayan natin ng sa gayon mas magiging produktibong miyembro ang mga ito ng komunidad.
Inihayag ni Acuzar na misyon ng Marcos Jr., government na mabigyan ng disente at abot kayang tahanan ang bawat pamilyang PiIipino kaya isinusulong nito ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
Sa kasalukuyang nasa 20 proyekto sa ilalim ng “Pambansang Pabahay” ang under construction sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Nitong Lunes, sinimulan ng DHSUD ang kanilang monthlong celebration para sa National Shelter Month 2023 kasabay ng paglulunsad ng housing exhibit sa Central Office nito sa Quezon City.
Ibat -ibang shelter-related activities din ang inihanda ng technical working group, kabilang ang kauna-unahang Philippine Urban Forum na gaganapin sa October 5-6 sa Philippine International Convention Center (PICC).