-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang umano’y pambihira na pagtutok nito sa aspeto ng programang pang-kalusugan para sa taum-bayan sa ilalim ng kanyang pamumuno sa bansa.

Ito’y sapagkat tuloy-tuloy lang ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) na nagpatupad ng medical transport vehicle donation program upang bawat local government unit sa buong bansa ay magkaroon ng sariling patient transport vehicle (PTV) unit.

Sinabi ni Marcos na kung maibigay ang karagdagang 985 PTV units sa loob ng taong kasalukuyan ay makumpleto na nito ang target na mabigyan ng tig-isa o dalawang sasakyan ang nasa 1,552 na pamahalaang local sa Pilipinas.

Aniya, tunay nga dapat ipagmalaki kung maisagawa ng PCSO dahil hindi pa ito nangyayari sa buong kasaysayan ang ganitong klase sa na programang-pangkalusugan kahit sa nakaraang mga administrasyon.

Una rito,tiniyak ni PCSO General Manager Mel Robles na handa sila magkaroon ng 2nd round ng PTV unit distributions sa local govt units na mga benepesaryo na nito sa kondisyon na maayos ang pagkagamit ng mga naipamigay na mga sasakyang pang-medical.

Ginawa nito ang katiyakan matapos tinungo mismo nila ni Marcos ang Cagayan de Oro City upang direktang ipinamigay ang PTV units sa 91 local government units nasakop ng Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Don Gregorio Pelaez Sports Complex kahapon ng hapon.