-- Advertisements --
PRO 10
PNP Chief,PGen. Oscar Albayalde
Photo courtesy OCPNP

Pinangunahan mismo ni PNP chief police General Oscar Albayalde ang pormal na pag-upo sa pwesto ng bagong Director ng PRO-10 na si B/Gen Rafael Santiago.

Ang turnover of command ay isinagawa tatlong araw bago ang halalan sa Lunes, May 13.

Pinalitan ni Santiago si B/Gen Timoteo Pacleb, na inilipat naman sa Directorate for intelligence kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ni intelligence director M/Gen Gregorio Pimentel.

Ang turnover ceremony ay isinagawa ngayong umaga sa Camp Vicente Alagar, Lapasan, Cagayan De Oro City.

Kasalukuyang nag-iikot sa Mindanao si Albayalde para siguruhin ang kahandaan ng mga iba’t ibang police regional offices sa darating na halalan sa Lunes.

Una rito, kahapon ay nakipagpulong si Albayalde sa mga opisyal ng PRO-12 at PRO-ARMM, para plantsahin ang deployment ng mga pulis sa mga tinaguriang election hotspots sa Mindanao.