DAVAO CITY – Itinalaga bilang pinaka unang District Director ng Metropolitan Davao Police District PRO11 si Police Brigadier General Alexander Camilon Tagum.
Si Gen. Tagum ang mangangasiwa sa kapulisan na sakop sa jurisdiction ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA).
Kasabay ng pagkatalaga ay nag courtesy call si Gen. Tagum sa iilang LGU Mayors ng Davao del Sur.
Ayon kay PROXI spokesperson Police Major/Atty. Eudisan Gultiano, nasa transition period palang ang binubuong istruktura ng Metropolitan Davao Police District at inaasahang makokompleto ito sa susunod na taon.
Ihinalintulad din ni Gultiano ang MDPD sa Manila Police District, at nilinaw nito na hindi malulusaw ang Davao City Police Office kundi mapapasailalim lamang ito ng Metropolitan Davao Police District.
Sa ngayon ay inaantabayanan pa ang resolution mula sa National Police Commission na siyang magtatakda ng magiging staff at structure ng MDPD.
Maalala na nitong abril lamang, ay pinirmahan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11708 o “An Act creating Metropolitan Davao Development Authority, na layuning mapaunlad pa ang ekonomiya sa rehiyon.
Sakop ng Metropolitan Davao ang Davao City; Panabo City, Tagum City at Island Garden City of Samal sa Davao del Norte; Digos City sa Davao del Sur; Mati City sa Davao Oriental; Bayan ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag, at Sulop sa Davao del Sur, Carmen sa Davao del Norte, Maco sa Davao de Oro, Malita at Sta Maria sa Davao Occidental.