Kasunod ng hangarin ng Marcos Administration na makapagtanim ng 100 million na puno ng niyog sa kabuuan ng kanyang termino, napagkasunduan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Coconut Authority (PCA) na magtulungan upang mapataas ang produksyon ng niyog sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglagda ng isang Memorandum of Understanding sa ilalim ng Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028 ng Philippine Coconut Aurhority.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, target ng PCA na magtanim ng 20 hanggang 25 million na puno ng niyog sa kada taon, sa tulong ng DILG at mga Local Government Units(LGU).
Ito ay katumbas ng 100 million na puno ng niyog hanggang sa matapos ang termino ni PBBM.
Sa ilalim din ng naturang kasunduan, bubuo ang PCA ng mga post-harvest, processing, at marketing interventions sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.
Tiniyak naman ng DILG na tutulong ito sa PCA sa pagsasagawa ng information campaign sa mga magsasaka sa tulong na rin ng mag LGU.
Nangako rin ang ahensiya na ikakampanya nito ang naturang programa hanggang sa lebel ng mag brgy.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang pinakamalaking exporter ng niyog sa buong mundo.
35% ng agricultural export ng bansa kada taon ay pawang mag produktong kopra at iba pang coconut-based products.