-- Advertisements --

Lumagda ang Philippine Competition Commission (PCC) at National Privacy Commission (NPC) sa isang kasunduan upang mas palakasin ang pagpapatupad at koordinasyon ng patakaran ng bawat isa.

Sa isang statement ay sinabi ni antitrust body na sa isang virtual ceremony ay nilagdaan nina PCC Chairperson Arsenio Balisacan at Privacy Commissioner John Henry Naga ang naturang memorandum of agreement (MOA).

Sa ilalim nito ay napagkasunduan ng dalawang ahensya na magtulungan sa pagpapatupad ng mga patakaran at case investigation na kinasasangkutan ng competition at data privacy.

Pinapadali ng MOA ang imbestigasyon at enforcement support sa pagitan ng PCC at ng NPC, kabilang na ang pagbuo ng joint task force at pag-abiso sa mga bagay na common concern ng mga ito.

Ang kasunduan ay nagbibigay-daan din sa mga direktang konsultasyon sa pagitan ng dalawang regulator sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiyang nauugnay sa kadalubhasaan ng isa’t isa.

Bukod dito ay nagkasundo din ang mga ahensya na magsagawa ng capacity-building activities, na maaaring isagawa sa pamamagitan ng training o temporary secondments ng mga tauhan sa isa’t-isa.

Ayon kay Balisacan, naging isang importanteng source kasi ng market power ang paglago ng digital economy kabilang na ang personal data.

Ito ang dahilan kung bakit aniya kinakailangan na tiyakin ng mga regulator katulad nila na madedevelop at mag-mature ang mga data-driven markets sa paraang hindi makakasama sa mga consumers nito dahilan kung bakit kinailangang bumuo ng isang kasunduan ang PCC at NPC.

Samantala, sa ngayon ay nasa 25 na partnerships na ang nilagdaan ng PCC sa mga ahensya ng gobyerno, counterpart competition authorities, at iba pang mga organisasyon.