-- Advertisements --

Ipinapaubaya na lamang ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa regional wage boards kung marapat bang ipatupad ang P200 across the board na dagdag sa arawang sahod ng mga mangagawa sa pribadong sektor.

Sinabi ni PCCI president Eunina Mangio, na tanging ang regional wage boards ang may sakop at pag-aaral kung dapat ipatupad ang taas sahod.

Sila aniya ang nakakaalam sa mga lagay ng negosyo ganun din sa mga presyo ng bilihin sa bawat rehiyon.

Giit nito na kapag maipasa ang nasabing taas sahod ay tiyak na ipapasa ng mga negosyante ito sa presyo ng kanilang produkto.

Reaksyon ito ng PCCI sa inaprubahan ng House of Representatives na panukalang batas na humihiling ng dagdag na P200 sa arawang sahod ng mga private employees.