-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nananatili ang mahigpit na seguridad na ipinapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) Aklan sa ikalawang araw ng International Business Forum and Diplomatic Visit na dinaluhan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ambassadors na ginaganap sa Isla ng Boracay.

Ayon kay Lt. Junior Grade John Laurence Banzuela, station commander ng PCG-Aklan na mula sa Caticlan jetty port hanggang sa Cagban jetty port ay nakadeploy ang mga tauhan at k-9 units upang matiyak ang ligtas at maayos na sitwasyon sa mga baybayin sa paligid ng isla sa mga araw na nasa Boracay ang mga opsiyal.

Maliban sa pagpatrolya at pag-escort ng kanilang mga floating assets ay nagsagawa rin sila ng baywatch patrol sa beach front malapit sa venue ng event.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas at mapromote ang economic and tourism partnerships kung saan, ang nasabing mga ambassadors ay nagmula pa sa mga bansang Malaysia, Brunei, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Laos, Pakistan, at Taiwan.