-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nananatiling nakaalerto ang Philippine Coast Guard sa mga pantalan upang umalalay sa mga byahero papuntang Batangas, Mindoro at Romblon port matapos ang ilang araw na bakasyon sa lalawigan ng Aklan at mga kalapit na probinsya.

Sa katunayan ayon kay Ensign Joeweskie Sarza, deputy commander ng Philippine Coast Guard – Aklan na walang naitala na major incident sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Buong pwersa din silang nagbantay sa libo-libong mga turista at bakasyunista na nag-abang sa magarbong fireworks display sa front beach sa isla ng Boracay na sumalubong sa Bagong Taon.

Sa ngayon aniya ay inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga byahero sa Caticlan at Cagban port hanggang bukas, araw ng Biyernes, Enero 3, 2025.