(Update) KALIBO, Aklan- Nagsagawa ng agarang pagpupulong ang Local Gov-ernment Unit (LGU)-Malay, Philippine Coastguard, Malay PNP at pamunuan ng Dragon Force team hinggil sa naganap na insidente sa dagat sa sakop ng Sitio Lingganay, Barangay Manocmanoc, Boracay kung saan, kumpirmadong pito ang nasawi habang 14 naman ang nakaligtas.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, pinagpapaliwanag sa ngayon ng PCG-Aklan ang manager ng grupo kung bakit hindi ang mga ito nakasuot ng life vest habang nasa dagat.
Narito ang listahan ng mga kumpirmadong nasawi:
- Mark Vincent Navarrete
- Omar Arcob
- Maricel Tan
- Yohan Tan
- Richel Montoya
- Antonette Supranes
- John Vincent Natividad
Habang ang mga survirors naman ay sina:
- Mark Baccay
- Jaylord Violanda
- Robel Licerio
- Marc Sabado
- Oathleen Sabado
- Kenneth Bandalan
- Julia Kurbaniizova
- Maggie Xie
- Xhen Autona
- Lani Ordas
- Janice Lumbo
- Jao Buenaventura
- Edwin Paradas
Samantala, patuloy na ginagamot sa isang ospital sa bayan ng Kalibo si Von Navarrosa na unang ibinalitang kasama sa mga nasawi sa nasabing insidente.
Napag-alaman na ang 21 miyembro ng Dragon Force team ay nagsasanay para sa isang international dragon boat competition nang maganap ang nasabing in-sidente.