-- Advertisements --
Inamin ng Philippine Coast Guard (PCG) na naging malaking challenge din sa kanilang mga tauhan ang pagresponde sa panibagong sea tragedy sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo, walang barko ang kanilang istasyon sa lugar at naglalakihan pa ang alon nang mangyari ang insidente.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang rescue operations ng PCG sa lugar.
Hindi naman matukoy ng PCG kung ilan pa ang kailangang hanapin, matapos matuklasang marami ang hindi nakatala sa manifesto ng naturang RORO vessel.