-- Advertisements --

NAGA CITY- Kaugnay ng kaliwa’t kanang isyu sa Novel Coronavirus, nagsagawa ng Joint Inspection ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Quarantine sa Pasacao Port, Pasacao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Junior Grade Bernard Pagador Jr. Station Commander ng Philippine Coast Guard (PCG) Camsur, sinabi nito na layunin ng programa na maiwasan na walang makakalagpas sa pantalan na pasaherong mayroong dalang sintomas ng naturang virus.

Ayon dito sa pinag samang pwersa ng Bureau of Quarantine , Rural Healt Unit- Pasacao at ng iba pang ahensya naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Kasama sa programa at pag sasailalim sa sanitation sa mga pasahero at ang pagbibigay ng libreng facemask sa mga ito.

Samantala, kinompirma naman ng Rural Health Unit ng Pasacao na walang naitalang ano man na sintomas ng naturang sakit sa mga pasahero lalo na ang mga mula pa sa Metro Manila.