Sinimulan na ang 4 na araw na maritime pollution exercise ng Philippine Coast Guard at Indian Coast Guard kahapon na magtatagal hanggang sa Marso 28.
Layunin nito na mapag-ibayo pa ang kooperasyon sa posibleng insidente ng oil spill sa hinaharap.
Kahapon nga dumating sa bansa ang second pollution control vessel ng Indian Coast Guard sa may Port Area sa Maynila.
Idinisenyo ang naturang barko para sa pag-contain, pagrekober at pag-disperse ng tumagas na langis.
Ang pagbisita ng Indian Coast Guard sa bansa ay resulta ng nilagdaang kasunduan noong nakalipas na taon para malinang ang bilateral cooperation sa pagitan ng 2 bansa.
Bahagi nito ang kooperasyon sa environmental protection, maritime enforcement, maritime security, maritime search and rescue at capacity-building activities.